Ni Rizaldy Comanda

BAGUIO CITY - Sa pagdiriwang ng bansa ng “Araw ng Kagitingan” ngayong Lunes, kalungkutan ang nararamdaman ng isang visual artist na naging propesor ng 18 sa 44 na nasawing miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015, sa police regional training school sa Cordillera.

SAF 44 GUITAR Ipinakikita ni Prof. Chris Bartolo ang lumang gitara na ginamit ng ilang miyembro ng Special Action Force na nasawi sa engkuwentro sa Maguindanao noong 2015. Dinisenyuhan niya ang gitara gamit ang mga lumang baril, granada, at bala bilang pagkilala sa kabayanihan ng SAF 44. (RIZALDY COMANDA)

SAF 44 GUITAR Ipinakikita ni Prof. Chris Bartolo ang lumang gitara na ginamit ng ilang miyembro ng Special Action Force na nasawi sa engkuwentro sa Maguindanao noong 2015. Dinisenyuhan niya ang gitara gamit ang mga lumang baril, granada, at bala bilang pagkilala sa kabayanihan ng SAF 44. (RIZALDY COMANDA)

Bilang pag-alala sa kabayanihan ng tinaguriang SAF 44, ginamit ni Chris Bartolo, isang radio broadcaster, ang sirang gitara na tinutugtog noon ng mga SAF commando na taga-Cordillera upang makalikha ng disenyo na magbibigay-buhay sa kabayanihan ng mga ito sa pagbubuwis ng sariling para sa bayan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“It is saddening and hard to forget especially because many of them were my students. This is the reason I designed SAF 44 on a destroyed guitar to always remember them,” ani Bartolo.

Si Bartolo ay propesor sa Philippine Public Safety College - Cordillera Administrative Region Training School (PPSC-CARTS) sa Teacher’s Camp, sa Baguio City.

Ikinuwento ni Bartolo na si Senior Insp. Joey Sakristan Gamutan ang huling police trainee na naturuan niya sa ilalim ng officer basic course, na kalaunan ay sumali sa SAF at nadestino sa Zamboanga.

Ngunit makalipas ang limang buwan, aniya, ay nagulat na lamang siya nang mabalitaan niyang isa si Gamutan sa 44 na police commando na nasawi sa engkuwentro sa Mamasapano noong Enero 25, 2015.

Sinabi rin niya na hindi na niya matandaan ang mga pangalan ng iba pang mga naging estudyante niya, ngunit karamihan sa mga ito ay taga- Cordillera.

Kuwento ni Bartolo, naglalakad siya pauwi isang gabi nang mamataan niya ang isang sirang gitara malapit sa tambakan ng basura, na pinulot niya at nilagyan ng disenyo para maging koleksiyon.

Nang malaman ng isang SAF commando ang tungkol sa obra ni Bartolo ay ibinigay nito sa propesor ang isang sirang gitara na tinugtog noon ng kanyang mga kasamahang kabilang sa SAF 44.

“I became more inspired when I got hold of the destroyed guitar of the Cordilleran SAF, that was when I thought of making a model of SAF 44’s heroism from SAF 44,” sabi ni Bartolo.

Pinalamutian niya ang nasabing gitara gamit ang baril, granada, bala, at iba pang bagay na dating pagmamay-ari ng SAF 44, kabilang na ang logo ng PNP-SAF, gamit ang recycled materials.

Sa ngayon, aniya, 10 gitara na ang kanyang natapos at may iba’t ibang disenyo ang mga ito.

At bagamat isang kolektor, sinabi ni Bartolo na handa siyang ibenta ang kanyang mga obra, at ang kikitain nito ay ido-donate niya sa charity institutions