Ni NITZ MIRALLES

KAPAG nagtapos ang The One That Got Away, hindi lang ang televiewers ang makaka-miss kina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos, mami-miss rin ng tatlo ang isa’t isa.

Max, Lovi at Rhian copy

Magkakasama sa GMA-7 ang tatlong leading ladies ni Dennis Trillo sa rom-com series, pero dito lang sila nagkatrabaho at naging close.

Tsika at Intriga

Matapos isyu ng unfollowan: Sarah at Kyline, naispatang magkasama ulit

Nadiskubre ni Rhian na marami silang pagkakapareho nina Lovi at Max sa ugali at sa mga gusto at isa ‘yun sa mga rason kung bakit mabilis silang nagklik. Hindi sila maubusan nang pinagkukuwentuhan at ‘pag magkakasama sa eksena, asahang maingay sila after each takes dahil nagtsitsikahan.

“Wala kaming competition, walang nag-iisip na ako dapat ang mas lamang sa eksenang ito o dapat mas sexy ang isusuot kong damit. Dahil well-defined ang character namin. Pati sa style ng pananamit, malinaw at given nang sa aming tatlo, mas sexy ang wardrobe ni Rhian as Zoe dahil ‘yun ang character niya,” paliwanag ni Lovi.

Enjoy din ang viewers sa pagpasok ni Solenn Heussaff bilang si George na first love ni Liam (Dennis Trillo). Sina Alex (Lovi) at Zoe pa lang ang nakaka-encounter at natarayan ni Solenn, hinihintay na ang engkuwentro nila ni Darcy (Max).