Ni Reggee Bonoan

NAPANOOD namin ang huling pagtuntong ni KZ Tandingan sa entablado ng Singer 2018 nitong Biyernes at ang ganda at madamdaming version niya ng Anak ni Freddie Aguilar na sumikat sa buong mundo kaya isinalin sa iba’t ibang lengguwahe.

KZ copy

Pinaghalong Filipino at Mandarin ang pagkakaawit ni KZ at gustung-gusto ito ng Chinese audience batay sa mga ipinakitang facial expressions nila habang pinapanood ang Philippine’s pride.

Tsika at Intriga

'Nothing left for me to do but dance!' Latest post ni Daniel Padilla, umani ng reaksiyon

Pero hindi pala dito dapat ibase na gusto ka ng live audience ng Singer 2018 dahil hindi naman nila ipinanalo si KZ sa wildcard competition.

Ang sinabi sa amin ng Cornerstone management na hinihintay nilang tawag kung kailan pababalikin si KZ para sa final competition ay hindi na mangyayari dahil hindi na nga siya nakapasok sa finals.

“Talagang naging hands-on ako du’n sa pagpili and then, we decided to incorporate Mandarin lyrics du’n sa kanta.

The story of the song is a universal love story of parents for their children. The story of unconditional love,” sabi ni KZ sa panayam ng ABS-CBN news tungkol sa pagkakaligwak niya sa Singer 2018.

“I know that there’s a bigger purpose kung bakit ako nandu’n and that is to show the Chinese audience what OPM is and kung paano mag-perform ang mga Filipino artist. If manalo tayo, then okay, bonus na lang ‘yun, eh.”

Hindi man nanalo si KZ ay naipamalas niya sa China kung gaano kahusay ang Filipino singers at ang OPM.

Samantala, ang nalalapit na solo concert ni KZ sa Smart Araneta Coliseum naman ang pagbubuhusan niya ngayon ng atensiyon dahil malapit na ito.