GINIMBAL ni Ritchie Evangelista ng Bolinao, Pangasinan ang kanyang mga nakatunggali para magkampeon sa third leg ng Philippine Executive Chess Association (PECA) Alphaland National Executive Chess Circuit nitong weekend sa Activity Area, Vista Mall, Santa Rosa, Tagaytay Road, Barangay San Jose in Santa Rosa City, Laguna.

Dinaig ni Evangelista, isang chemist, ang kanyang fellow six pointer na si Maynilad Water Services top player Dandel Fernandez via superior tie breaks tungo sa titulo.

Pinaghatian ng dalawa ang combined prize P17,000 sa one-day National Chess Federation of the Philippines-sanctioned rapid tournament, na suportado ng Alphaland Corporation, Jolly Smile Dental Clinic, CVJR Builders, Engineers Architecs Contractors, Vistamall Santa Rosa, Cabuyao City Chess Club at City of Santa Rosa.

Tinalo ni Evangelista, dating miymembro ng multi-titled Far Eastern University chess team, si engineer Joel Hicap tungo sa 65 moves ng English English Opening sa last round habang si Fernandez ay nagwagi naman kay San Beda College Alabang head coach Chester Caminong sa 83 moves ng Queens Indian defense.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Dahil sa pagkatalo, nanatili si Caminong sa 5.5 puntos na naitala nina Narquingel Reyes at lawyer Cliburn Anthony Orbe.

Matapos ang tie break points, si Caminong ay ikatlo, ikaapat si Reyes at ikalima si Orbe.

“I had 0.5 after two rounds but then i started winning all my remaining games, including one against National Master (Allan Sasot).” sabi Atty. Cliburn Anthony A. Orbe, treasurer din ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) at founding president of Philippine Executive Chess Association.

Gaganapin naman ang 4th leg sa Boracay sa Malay, Aklan sa Visayas. Ito ay gaganapin sa April 28 sa Casa Pilar Bar & Restaurant na inorganisa nina PECA Vice President for Visayas NM Wilfredo Neri ng Aklan (#09985346842) at NM / NA Carlito Lavega ng Iloilo (#09096755143).

Ang Mindanao leg sa Mayo 26 (Saturday) sa Punta Isla Lake Resort sa scenic Lake Sebu, South Cotabato. Magsisilbing punong abala si organizer Lito Dormitorio, self made businessman & entrepreneur na may 09493741967. Sa pagpapatala ay nakapangalan kay BDO Account Treasurer NM Efren Bagamasbad