BEIJING (AFP) – Ipinagbawal ng China ang pagluluwas sa North Korea ng 32 ‘’dual-use’’ items na maaaring gamitin sa paggawa ng weapons of mass destruction, sinabi ng commerce ministry.

Ang listahan mga bagay, kabilang ang radiation monitoring equipment at software na maaaring gamiti sa paghulma ng fluid dynamics o neutrons, ay alinsunod sa UN Security Council resolution na pinagtibay noong Setyembre para mapigilan ang ballistic missile at nuclear programmes ng North Korea.

Kasama rin sa mga ipinagbawal ang mga bagay na posibleng may dual use sa paggawa ng conventional weapons, nakasaad sa pahayag na inilabas ng ministry nitong Linggo ng gabi.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture