PNA

Ibibida sa Bacolod City bukas, Abril 10, ang digitalized version ng mga lumang record ng mga Pilipinong guerilla, bilang bahagi ng lecture tungkol sa mga bayaning Pinoy, na gaganapin sa Bacolod City Government Center.

Kabilang sa Philippine Archives Collection na ipiprisinta ni United States National Archives head researcher Marie Vallejo ang "Finding Our Heroes: The Brigadier General Francisco Licuanan Jr. Memorial Collection, Philippine Guerrilla Files from the US National Archives” at “Memories of our Heroes from World War II.”

Ang nasabing lecture ay bahagi ng taunang pagdiriwang ng lungsod ng “Araw ng Kagitingan” ngayong Lunes.

Probinsya

Dahil sa 5.8-magnitude na lindol: Kalsada sa Liloan, Southern Leyte, nagkabitak-bitak!

Sa isang pahayag, sinabi ni Vallejo na layunin ng proyekto na mapanatili ang mga lumang dokumento upang mapanatili ang kasaysayan ng kabayanihan ng mga Pilipinong guerilla at magamit ang mga ito ng mga mananaliksik at guro.

Sinuportahan ng Philippine Veterans Office, Filipino War Veterans Foundation, at Geo Estate Development Corporation, katuwang ang Philippine Veterans Bank-Bacolod, ang nasabing proyekto.