Ni Fer Taboy

“May kalalagyan kayo!”

Ito ang babala ni incoming Philippine National Police (PNP) chief at kasalukuyang National Capital Region Police (NCRPO) Regional Director Oscar Albayalde sa mga pulis na tatamad-tamad sa trabaho o natutulog sa pansitan.

Matatandaang pinarusahan ni Albayalde ang ilang pulis na nahuling natutulog at nag-iinuman sa loob ng tanggapan ng pulisya, sa serye ng sorpresang inspeksiyon na layuning matiyak ang pagpapatupad ng seguridad sa publiko at kontra krimen.

National

Pepito, itinaas na sa ‘typhoon’ category; Ofel, ibinaba naman sa ‘severe tropical storm’

Aniya, sa oras na maupo siya sa puwesto ng bilang hepe ng PNP, ipagpapatuloy niya ang mga sorpresang inspeksiyon at pakikilusin ang mga commander on the ground kung hindi niya magagawa ang pag-iikot.

Babala pa ni Albayalde, ang sino mang nagpapabaya sa kanilang trabaho ay agad niyang sisibakin sa puwesto.