Ni Jun Fabon

Pinasusuko na ni incoming Philippine National Police (PNP) chief at kasalukuyang National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Oscar Albayalde ang mga barangay officials na kabilang sa drugs watch list ng pulisya.

Hinimok ni Albayalde na kusang sumuko ang barangay officials na sangkot sa aktibidad ng ilegal na droga, at may balak pang manungkulan sa bansa at kumandidato sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Mayo 14.

Aminado ang opisyal na hindi mapipigilan ng PNP ang pagtakbo sa halalan ng mga nasabing opisyal ng barangay.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

A n i y a , m a h a l a g a n a mabigyang-kamalayan ang publiko at magdesisyon ang mga ito na huwag iboto ang mga kandidatong sangkot sa ilegal na droga.

Gi i t n i A l b a y a l d e , kinakailangang boluntaryong sumailalim sa drug testing ang mga opisyal ng barangay na kakandidato sa nalalapit na eleksiyon.

Aniya, hindi na kailangan ng batas para magpa-drug test ang mga kandidato.