NEW YORK (AFP) – Isang matandang lalaki ang namatay nitong Sabado sa sunog na sumiklab sa 50th floor ng Trump Tower sa New York na ikinasugat din ng apat na bombero, ayon sa mga opisyal.

Sinabi ng New York Police Department na ang 67-anyos na lolo ay natagpuang ‘’unconscious and unresponsive’’ nang dumating ang mga opisyal sa lugar. Idineklara siyang patay sa Mount Sinai Roosevelt Hospital, at inaalam pa ng medical examiner ang eksaktong dahilan ng kanyang kamatayan.

Nagsimula ang sunog sa matayog na gusali sa Midtown Manhattan dakong 6:00 ng gabi.

Kalaunan ay sinabi ni President Donald Trump na napatay na ang sunog.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

"Fire at Trump Tower is out. Very confined (well built building). Firemen (and women) did a great job. THANK YOU!" aniya.