SAO BERNARDO DO CAMPO(Reuters) – Isinuko ni Brazilian President Luiz Inacio Lula da Silva ang kanyang sarili sa pulisya nitong Sabado, at winakasan ang isang araw na standoff, para simulan ang pagsisilbi sa 12-taong sentensiya sa kulungan dahil sa korapsiyon na sumira sa pagnanais niyang makabalik sa kapangyarihan.

Inilipad ng pulisya si Lula sa lungsod ng Curitiba sa katimugan, kung saan siya ay nilitis at hinatulan noong nakaraang taon, at dinala sa federal police headquarters doon para pagsilbihan ang kanyang sentensiya. Nakipagtuos ang mga tagasuporta ni Lula sa pulisya sa labas ng gusali. Gumamit ang mga opisyal ng stun grenades, tear gas at rubber bullets para palayasin ang mga ito.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina