Ni Beth Camia

Sa layong magkaroon ng pagbabago sa kalagayan ng transportasyon sa bansa, inilunsad ng isang advocacy group ang Transport Watch na magsisilbing mata at tagapagbantay sa mga isyung may kinalaman sa problema sa transportasyon.

Sa press conference, kabilang sa mga nanguna sa paglulunsad sina Transport Watch convenor Noemi Dado, transport advocate at co-convenor ng Two Wheels One Nation George Royeca at dating Ateneo dean Law School Tony La Vina, na tutuon sa kasalukuyang kalagayan ng transportasyon, hindi lang sa Metro Manila kundi sa iba pang malalaking lungsod sa bansa tulad ng Cebu at Davao.

Dumalo rin sa paglulunsad ng proyekto si Department of Transportation Assistant Secretary Elvira Medina, na kumakatawan sa commuters sector.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ayon kay Dado, tututukan nila ang pagsusulong sa wastong panuntunan at paglikha ng mga batas na magsusulong sa higit na maayos na alternatibong transportasyon, pag-aaral sa tamang kaligtasan sa daan at pagpapaabot ng mga kaalaman hinggil dito sa mga mamamayan sa pamamagitan ng media.