Ni Mary Ann Santiago

May 23 sentimo kada kilowatt hour (kWh) na taas-singil ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Abril.

Ayon sa Meralco, ito ay bunsod ng pagtaas ng P10.55 per kWh ng overall rate ng kuryente, mula sa P10.32 per kWh noong Marso, o katumbas ng P45 na dagdag sa electricity bill ng mga residential customer na kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan.

Paliwanag ng Meralco, kinailangan nilang magtaas ng P0.2250 per kWh sa singil sa kuryente bunsod na rin ng pagtaas ng P0.1773 per kWh sa generation charge, na epekto naman ng mas mataas na charge sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), na umakyat ng P1.6441 per kWh dahil sa mahigpit na supply condition sa Luzon Grid.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon sa Meralco, dahil sa mas mainit na temperatura ngayong tag-araw, tumaas din ang demand sa kuryente ng grid ng 357 megawatts.

Dagdag pa ng Meralco, bagamat tumaas ng P0.97 per kWh ang electricity rates noong Marso ay P0.85 per kWh lamang ang ipinatupad ng kumpanya, at ang natitirang balanse ay ia-apply sa electricity rates ngayong Abril.