CARACAS (AFP) – Pinalayas ng Panama nitong Huwebes ang ambassador ng Venezuela at pinauwi naman ang kanyang envoy sa bansa kasunod ng pagpataw ng Caracas ng sanctions sa senior Panamanian officials at pagsuspinde sa mga biyahe ng eroplano sa uminiit na iringan.

Nasa sentro ng isyu ang pakikipagmabutihan ng Panama sa iba pang bansa sa Latin America gayundin sa European Union, Canada at United States na nagpatupad ng mga hakbang laban kay President Nicolas Maduro at sa gobyerno nito dahil umano sa hindi makademokrasyang pagkapit sa kapangyarihan.

‘’Panama’s government has decided to withdraw its ambassador to the Bolivarian Republic of Venezuela, Miguel Mejia, and asks the Venezuelan government to withdraw its ambassador accredited to Panama, Jorge Duran Centeno,’’ ipinahayag ng Panamanian foreign ministry.

Inilabas ang communique ilang oras matapos ipahayag ng gobyerno ng Venezuela ang sanctions sa pangulo ng Panama at iba pang mga opisyal, at ilang Panamanian companies kabilang ang main airline nito na Copa.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ginawa ito ng Venezuela ay matapos idagdag ng Panama nitong linggo si President Nicolas Maduro sa listahan ng mga indibidwal na ‘’high risk’’ sa larangan ng money laundering.