ISA lamang ang nasa isipan ni engineer Arjoe Luanzon, ang maidepensa ang tangan na titulo sa pagsambulat ngayon Sabado ng third leg ng Philippine Executive Chess Association (PECA) na pinamagatang Alphaland National Executive Chess Circuit sa Activity Area, Vista Mall, Santa Rosa, Tagaytay Road, Barangay San Jose sa Santa Rosa City, Laguna.
Nakamit ng dating pambato ng Mapua Institute of Technology na si engineer Loanzon ang titulo sa 2nd leg ng PECA matapos manaig kay engineer Ravel Canlas ng Pagcor sa huling laro nitong Pebrero 24, 2018 na ginanap sa Activity Hall ng Alphaland Makati Place in Ayala Avenue, Makati City.
Nakatutok din sa top prize P10,000 na suportado ng Alphaland Mall, Rotary Club of Nuvali at Jolly Smile Dental Clinic si 1st leg winner engineer Benjamin “Benjie” Esquejo,Information Technology (IT) expert Joselito Cada, Seven-times Philippine Executive Champion Dr. Jenny Mayor at SMDC Sales Director Samivin V. de Los Santos, Diwa Learning Systems, Inc. Audit manager Ricky Navalta, Maynilad Water Services top player Romie Lord Guerra at Dandel Fernandez, Joselito Asi of DepEd, businessman Noel Garcia, Emil Colindres at Manny Puertellano at IT Manager Edwin Sison of Vital C Health Products, Inc.
Ito ay inorganisa ng Philippine Executive Chess Association (PECA) na sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa pakikipagtulungan ng Kasparov Chess Foundation Asia Pacific.