Ni Annie Abad

NAGLABAS ng warrant of arrest si Judge Dennis A. Velasco ng General Santos City Regional Trial Court (RTC) branch 23 kontra kay Philippine Table Tennis Federation (PTTF) president Ting Ledesma kaugnay ng diumano’y libel case na isinampa ni Jay Omila na siyang National Chairman ng Table Tennis Association of the Philippines (TATAP).

Ang nasabing warrant ay naihain noong Abril 3 ng taong kasalukuyan, na nag-ugat sa isang post ni Ledesma sa kanyang Facebook account sa pangalan na Hotponger Ledesma.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Base sa nasabing post ni Ledesma sa Facebook account nito, ang grupo umano ni Omila ang pumipigil sa kanilang grupo ng PTTF na makakuha ng suportang pinansyal sa Philippine sports Commission (PSC).

Matatandaan na nahati ang grupo sa dalawa kung saan ang grupo nila Omila ay pinili na manatili ang pangalan na TATAP bilang National sports Association (NSA) ng Table tennis, habang ang grupo naman ni Ledesma ay nanindigan sa PTTF na siyang kinikilala ngayon ng Philippine Olympic Committee (POC).

“Just want to inform everyone that this TATAP kuno chairman Jay Omila and Dodong Ortalla, together with their utusan Dante Boquiren instead of promoting our sport, they rather want to stop our PTTF programs by means filing case in the Manila Trial Court in 2013 and feeding false statement to the PSC Chairman and Commissioner in order for us to get nothing finance assistance from the PSC since 2015,” bahagi ng Facebook post ni Hotponger Ledesma.

“This Jay Omilla is very good in lying and lying is his investment. Huwag paloloko dahil one call away lang ako sa inyo, you ask me any question about TATAP history and now PTTF. Thank you and more power to our sport,” bahagi pa ng post.

Ayon sa korte, ang nasabing pahayag ni Ledesma ay malinaw na pangyuyurak umano sa pagkatao ni Omilla at naglalaman ng malisyosong intensyon ng paninira ng una sa huli.

Nagkakahalaga ng 20,000 piso ang piyansa na dapat bayaran ni Ledesma sa oras na siya ay damputan ng awtoridad bilang pansamantalang paglaya.