Ni Fer Taboy

Patay ang isang dating sundalo matapos barilin ng kanyang kapatid na babae sa bayan ng Carmen, North Cotabato.

Kinilala ng North Cotabato Police Provincial Office (NCPPO) ang biktimang si dating Sgt. Jerome Mampenayo, 45, may asawa, ng Barangay Katiko, President Quirino, Sultan Kudarat.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sinabi ni Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng NCPPO, na biglang pumasok ang biktima na may dalang itak sa bahay ng kanyang kapatid na si Ellena Orbina, 34, may asawa, sa Sitio Mahulamod, Bgy. Liliongan, Carmen, North Cotabato.

Depensa naman ng suspek, tatagain na siya ng kanyang kapatid nang barilin niya ito ng .45 caliber pistol.

Nasawi sa pinangyarihan ng insidente ang biktima dahil sa apat na tama ng bala sa katawan.

Posible umanong awayan sa lupa ang motibo sa pamamaslang.