Ni Mina Navarro

Hindi maiiwasan ang contractualization o “endo” dahil ang ilang serbisyo sa mga estabilisimyento ay nangangailangan lamang ng contractual na manggagawa, idiin ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ayon sa kalihim, alam naman ng lahat na may mga serbisyo na hindi maaaring ma-permanente at ina-outsourced.

Noong 2016 ipinanukala ni Bello ang “80-20 arrangement” na imposibleng ma-regular ang lahat ng empleyado pagkatapos ng anim na buwan dahil ang ilang kumpanya ay nangangailangan lamang ng seasonal o project-based workers.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Iginigiit ng mga grupo ng manggagawa na lubusang ipagbawal ng pamahalaan ang endo.

Ipinaliwanag naman ng Malacañang na kailangan ang isang bagong batas para rito.

Kaugnay nito, nakatakdang makipagpulong ang Pangulo sa mga labor groups sa Abril 16 para pag-usapan ang isyu.