Nina Martin Sadongdong at Beth Camia

Sa gitna ng pag-aalinlangan ng mga nangungunang police at government officials na isumite sa Korte Suprema ang case folders ng mahigit 4,000 hinihinalang drug personalities na napatay sa war on drugs, isiniwalat kahapon ng susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP) na iba ang kanyang pananaw.

Sinabi ni outgoing National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde na payag siyang sundin ang utos ng Korte Suprema na isumite ang lahat ng mahahalagang impormasyon ng mga napatay sa madugong laban sa ilegal na droga.

“Of course, kautusan ‘yan ng Kataas-taasang Hukuman, kailan¬gan talagang mag-comply dyan,” sabi ni Albayalde, na itinalaga ni Pangulong Duterte bilang susunod na hepe ng PNP.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ikinagulat ng marami ang nag¬ing pahayag ni Albayalde dahil paulit-ulit nang sinabi ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa na ito ay nakadepende sa desisyon ni Solicitor General Jose Calida.

Una nang ibinasura ng Korte Suprema ang apela ni Calida na ipawalang-bisa ang kautusan nito na nag-uutos sa PNP na isumite ang mga datos ng mahigit 4,000 drug suspects na napatay sa anti-illegal drug operations.

“Even as regional director of NCRPO, kung ako pagsa-submitin ng lahat ng documents coming from NCRPO, magsa-submit kami,” ani Albayalde.

Nagpasalamat sa “trust” at “faith” ng Pangulo sa kanya, sinabi ni Albayalde na ipagpapatuloy at ipatutupad niya ang mga reporma at programa sa PNP.

“Continuity is what’s really important and we will see to it that what has been started now will be continued even after my service to the PNP,” ani Albayalde.

Samantala, kasabay ni Albayalde na manunumpa sa Abril 18 bilang bagong pinuno ng PNP ang bagong chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Western Mindanao Command chief, Lt. Gen. Carlito Galvez.