BINASAG ni dating jiu-jitsu official Samantha Cebrero ang kanyang katahimikan upang ibulalas sa media ang kanyang nalalaman sa kasalukuyang estado ng Jiu- Jitsu Federation of the Philippines na pinamumunuan ni Choy Cojuangco.

Dahilan sa tumitinding hidwaan sa dalawang paksiyon ng naturang national sports association kung saan ang isa ay ang Ju-Jitsu Federartion of the Philippines na pinamumunuan naman ng secretary-general na si Alvin Aguila, umeksena na rin ang arbitration committee ng Philippine Olympic Committee.

“Dati ayaw kong magsalita dahil akala ko ay madaling maresolba anuman ang hidwaan sa liderato sa naturang sports .Pero ngayon ay tumitindi na ito at kailangang malaman na ng madla kung sino talaga ang may karapatang mamuno sa sport na jiu-jitsu sa bansa”,pambungad ni Cebrero na nagsabing siya ang dahilan kung bakit napuwesto si Cojuangco bilang pangulo ng martial arts gayong katulad niya ay entusiasts ito sa popular na larong golf.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Kailangan nang ibigay na nila Choy[Cojuangco] ang pamumuno sa tunay na nakakaalam ng sport na jiu-jitsu.Sa mga taong eksperto sa larangan tulad ng grupo nila Alvin Aguilar na kahit pagbali-baligtarin mo at taal silang alagad ng combat sports at alam nila ang pulso ng bawat atleta nila kaya nga ang kampo ni G. Aguilar ang may pinakamalaking bilang ng pambatong jiu-jitsu athletes sa bansa pero ni isa sa kanila ay wala sa national team.

Malaking kalokohan ito”,wika pa ni Cebrero na umaming isang pagkakamali niya ang maging pasimuno sa pagkaluklok ng mga golfers sa sport na jiu-jitsu at ngayon ay ayaw nang bumitaw ayon sa kanilang kasunduan.

Sinabi pa ni Samantha na iligal ang kampo ni Choy dahil ang kanilang asosasyon ay ni walang sariling tanggapan,walang nangyayaring meeting at torneo o national open man lang na di angkop sa by-laws ng POC. Gayunpaman ay patuloy silang nakatatanggap ng financial assistance mula Philippine Sports Commission (PSC) sa panahon ni dating chairman Richie Garcia.

Ibinuking din ni Samantha ang pagtanggap ng ayuda ng isang New Zealander sa kampo ni Choy para sa grassroot sports event umano ng jiu-jitsu pero patuloy naman itong naniningil ng entry fees sa mga partisipante habang ang isang insider ng PJF ni Choy ay nagsumite ng mga aniya ay kasinungalingang talaan ng mga manlalaro at miyembro umano ng PJF at mga bogus na torneo na namayagpag sa apat na taon na nilang pamumuno sa liderato ni dating POC president Peping Cojuangco.

Hangad ni Samantha na matapos ang kanyang expose ay magising ang bagong pamunuan ng POC na ang dapat mamuno ng jiu-jitsu sa bansa ay isang martial artist at ang ipinadadala sa bakbakan sa international na bakbakan ay iyong mga pinakamagagaling at di iyong mga segunda at tersera lamang mula sa kampo ni Choy.