Ni Kate Louise B. Javier

Kulang sa pulis ang isa sa mga dahilan kung bakit “nahihirapan” ang Caloocan City Police sa pagresolba sa mga kaso ng pamamaril sa lungsod.

Ito ang ipinahayag ng bagong hepe ng pulisya na si Senior Supt. Restituto Arcangel, na pumalit sa sinibak na si Sr. Supt. Jemar Modequillo dahil sa mga hindi nalutas na kaso ng pamamaril sa Caloocan City.

Nasa kabuuang 111 pamamaril, na ikinasawi ng 117 katao, ang naitala sa panahon ng termino ni Modequillo, at mahigit kalahati rito ang hindi pa rin nareresolba.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon kay Arcangel, ang siyudad ay may populasyon na 1.7 milyon at mayroon lamang 1,200 pulis sa lungsod o may ratio na 1:1,400.

“That’s a huge difference from our ideal standard of 1:500. Ideally Caloocan should have at least 5,000 men,” sabi ni Arcangel.

Aniya, nagpakalat na siya ng 300 karagdagang pulis mula sa Northern Police District-Mobile Force Battalion, sa hilagang bahagi ng lungsod.

“We assigned more cops in the area where most shooting incidents happened,” dagdag pa niya.

Target ng hepe na madagdagan pa ng limang Police Community Precinct (PCPC).

Samantala, hinikayat ni Arcangel ang superbisyon ng lahat ng commander at binigyang-diin ang kahalagahan ng liderato.

“We are encouraging all officers to closely suspervise our people. We are trying to implement leadership at all level,” paliwanag niya.