Ni Bert De Guzman

Tinalakay ng technical working group (TWG) ng House Committee on Mindanao Affairs nitong Miyerkules ang mga panukalang itaas ang pondo para sa Mindanao sa 2019.

Binanggit ni Rep. Peter Unabia (1st District, Misamis Oriental), namuno sa pagdinig, na tatanggap lamang ang Mindanao ng 16.2 porsiyento ng national budget ngayong 2018.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Idiniin ng TWG ang mga dahilan kung bakit kailangang lakihan ang pondo para sa Mindanao. Kabilang dito ang 40 porsiyentong kahirapan at 32% kawalan ng trabaho. Gayundin ang mabilis na paglaki ng populasyon nito na ngayon ay umaabot na sa 26 milyon.