Ni Mary Ann Santiago

Patuloy na lumolobo ang bilang ng mga Pinoy na nahahawahan ng HIV/AIDS infection, matapos maitala ng Department of Health (DoH) ang mahigit 800 bagong kaso ng naturang sakit, kabilang ang dalawang bata, at anim na buntis.

Nasa 22 katao naman ang namatay.

Sa report ng HIV/AIDS & ART Registry of the Philippines (HARP) ng DoH noong Pebrero, naitala ang kabuuang 871 bagong HIV antibody seropositive individuals, at 16% o 135 sa mga ito ay may clinical manifestations ng advanced HIV infection noong ma-diagnose.

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bags, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte

Sa nasabing bilang, 832 o 96% ay lalaki at karamihan, o 275 na nasa 32% o 275, ay mula sa National Capital Region (NCR); 15% o 132 kaso ang mula sa Region 4A; 10% o 86 ang mula sa Region 7; 9% o 79 mula sa Region 3; habang 8% o 67 kaso ang mula sa Region 6.

Ang pinakabatang biktima ng sakit ay apat na taon, habang 70-anyos naman ang pinakamatanda.