Ni Jun Ramirez

Panibagong batch ng 50 field officers ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang binigyan ng bagong mga assignment, bilang bahagi ng mas malaking programa upang maabot ang target na P2 trilyon koleksiyon na tinatarget ngayong 2018.

M i s m o n g s i B I R Commissioner Caesar R. Dulay ang nagsagawa ng malawakang pagbabago sa mga tauhan ng kawanihan nitong nakalipas na buwan mula sa iba’t ibang puwesto buhat sa deputy commissioner, regional director, district officer, division chief at maging sa grupo ng supervisor at examiner.

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

Ikinonsidera ang balasahan sa performance ng revenue officers noong 2017, kaya pinalalakas ang tax administration at makinarya sa koleksiyon ng ahensiya.

Karamihan sa mga apektado ng balasahan ay ang district officers, regional collection, at assessment heads.

Kabilang si Revenue District Officers (RDO) Maglangit Decampong ng Zarraga, Iloilo, na inilipat sa Cebu City South; Evangeline Abanilla ng Cebu City South, na magsisilbing Cebu revenue regional director; Rogelio Dizon ng Boac, Marinduque patungong Bongao, Tawi Tawi; at Rex Recoter ng Calapan City, Oriental Mindoro.

Ang mga bagong regional assessment chiefs naman ay sina Tita Sadsad, sa Caloocan; Deogenes Villarubia, s a Pampanga; Zenaida Ordinario, sa Quezon City; Analyn Chu, sa Maynila; Carment Grace Comoda, sa Cebu; at Lourdes Anteneo, sa Pangasinan.