Ni NORA CALDERON

NAPAKASAYA ng media conference para sa second leg ng 3 Stars, 1 Heart concert nina Regine Velasquez-Alcasid, Christian Bautista, at Julie Anne San Jose, produced by GMA Entertainment Content Group (ECG) and GMA Regional TV (GMA RTV).

JULIE ANNE REGINE AT CHRISTIAN copy

After ng very successful show sa Waterfront Hotel sa Cebu City last January, sa Dagupan City, Pangasinan naman sila pupunta. Mapapanood sila sa CSI Stadia sa Sabado, April 14, kasabay ng Bangus Festival celebration.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Bukod kasi sa solo performances nina Christian, singing his latest single Kapit, si Julie naman her Nothing Left, at si Regine her latest single na Tadhana, ipinarinig ng powerhouse trio ang Secret Love Song na binigyan ng standing ovation sa entertainment media.

No problem kay Regine kahit sino ang nakakasama niya sa concert, pero masaya siya na nakakasama niya sina Christian at Julie. Pero hindi na bago sa kanya ang combination nila dahil matagal silang nagkasama-sama noon sa Sunday noontime show ng GMA. Naggi-guest din sina Regine at Christian sa Sunday Pinasaya na isa sa mga mainstay si Julie.

Tinanong si Regine kung dadalhin ng GMA sa iba’t ibang lugar sa bansa ang concert nila pero mayroon na silang schedule sa Dubai World Trace Center sa June 14.

“They are wonderful to work with,” say ni Regine. “Impressed ako sa kanilang dalawa, ang ganda ng boses nila. Ang totoo, kinikilig ako sa tunog ng boses ni Christian. Si Julie, bukod sa magandang boses niya, she’s a good performer, it’s hard kasi to sing and dance.”

Nagbiro pa si Regine na siya lang daw ang nakagagawa nito.

“Pero advice ko kay Julie, kumanta siya ng ibang genre, kahit ayaw niya, mas marami pang song siyang dapat pag-aralan at kantahin. Mahihirapan na kasi siyang kumanta kapag she gets older na. Kaya sing any song kahit hindi mo genre, try it anyway! Just sing more, sing other genre, kasi ang galing-galing niya. Kaya sana po ay huwag ninyong i-miss ang aming concert sa April 14, matutuwa kayo sa kanilang dalawa.”

Ayon kay GMA RTV Vice President and Head Oliver Amoroso nang makausap namin, last year pa nila na-conceptualize ang concert tour na ito, pero pare-parehong naging busy ang tatlo kaya naghanap muna sila ng available dates na puwede silang magkasama-sama. Thankful sila na natuloy na ang Cebu na napakaraming sumuporta at ngayon naman ay naikasan na ang second leg sa Dagupan.

“Kung manonood sila, para na silang nanood ng tatlong concert at hindi naman namin sila bibiguin. Salamat sa inyong lahat,” sabi ng GMA-7 exec.