BAMAKO (AFP) – Dalawang UN peacekeepers ang nasawi at 10 iba pa ang nasugatan nitong Martes ng umaga sa atake sa kanilang kampo sa hilagang silangan ng Mali, sinabi ng UN mission doon.

“At 6.45pm (1845 GMT) the peacekeepers came under mortar fire,” saad sa pahayag ng mission, kilala sa acronym nitong MINUSMA.

“According to an initial assessment, two peacekeepers were killed and 10 were wounded,” dagdag nito, sinabi na ang inatakeng kampo ay nasa Aguelhok.

Isa ang Mali sa pinakamapanganib sa mga misyon ng UN, kung saan mahigit 150 peacekeepers na ang namatay simula 2013.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Ang MINUSMA ay mayroong 12,500 puwersa sa bansa, na suportado ng 4,000 pang tropang French na nasa anti-jihadist mission.