Mula sa Cover Media

PATULOY ang pagsusuporta ni Taylor Swift sa anti-sexual assault organizations simula nang maipanalo ang kanyang groping case sa pamamagitan ng pagkakaloob ng “generous” donation sa Rape, Abuse & Incest National Network (RAINN).

Taylor copy

Ginawaran ang Blank Space hitmaker ng symbolic $1 noong Agosto 2017 nang mapatunayan ng jury na nagkasala ang radio host na si David Mueller ng panghihipo sa kanya sa meet-and-greet sa backstage ng kanyang concert sa Denver, Colorado.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nang ibaba ang hatol pagkaraan ng isang linggong paglilitis, inamin ni Taylor kung gaano siya ka-privileged na kaya niyang tustusan ang “enormous cost” sa pagsusulong ng legal action, at nangakong gagamitin ang kanyang naranasan “to help those whose voices should also be heard”.

“I will be making donations in the near future to multiple organizations that help sexual assault victims defend themselves,” aniya sa isang pahayag.

Nitong Huwebes, isinapubliko ng mga opisyal ng RAINN, isang non-profit organization na kanyang tinulungan, ang kanilang pasasalamat sa kanyang financial support sa pamamagitan ng Twitter. Hindi nila sinabi kung magkano ang ibinigay ng pop superstar, at sa halip at sinabing dumating ang tseke nitong Abril kasabay ng Sexual Assault Awareness and Prevention Month (SAAPM).

“Thank you @TaylorSwift13 for always standing with survivors,” mababasa sa tweet. “Your generous donation this week during #SAAPM ensures that survivors and their loved ones get the help they need and deserve.”

Nauna rito ay nagkaloob din ng pera si Taylor sa Joyful Heart Foundation ng kanyang kaibigang aktres na si Mariska Hargitay na tumutulong sa “survivors of sexual assault heal and reclaim their lives”.

Ilang araw matapos manalo sa kanyang kaso sa korte, sinabi ni CEO Maile M. Zambuto na nagkaloob si Taylor ng “extremely generous” contribution sa kampanya.

“Taylor is aware of the Joyful Heart Foundation and follows our work,” ani Zambuto sa Huffington Post nang mga panahong iyon. “Her team got in touch with me and we talked a lot about her commitment, all along throughout this ordeal, to wanting to be of service to survivors.”

Idinagdag ng Law & Order: Special Victims Unit star na si Mariska na, “I hope that Taylor’s very public experience - and her decision to speak out - not only helps empower other victims to speak up and take action, but offers them solidarity.”