SEOUL (Reuters, AFP) – Napatunayan ng korte sa South Korea nitong Biyernes na nagkasala si dating President Park Geun-hye ng bribery kaugnay sa eskandalo na naglantad ng katiwalian sa pagitan ng political leaders at conglomerates ng bansa.

Nagdesisyon ang Seoul Central District Court na nakipagsabwatan si Park sa kaibigang si Choi Soon-sil, para tumanggap ng bilyun-bilyong pera mula sa malalaking negosyo kabilang ang Samsung at Lotte upang tulungan ang pamilya ni Choi at pondohan ang non-profit foundations na kanyang pag-aari.

Si Park, 66 anyos, unang babaeng pangulo ng bansa, ay na-impeach at inaresto noong Marso 2017. Humihiling ang prosecutors ng 30-taong sentensiya at 118.5 billion won ($112 million) na multa para kay Park, matapos siyang isakdal sa mga kaso na kinabibilangan ng bribery, abuse of power at coercion.

Pinatawan siya ng korte ng 24-taong pagkakakulong.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Hiwalay na nilitis si Choi at hinatulan ng 20 taong pagkakakulong noong Pebrero