Ni Orly L. Barcala

Arestado ang 12 miyembro ng illegal drug syndicate, kasama ang kanilang lider, makaraang salakayin ang kanilang mga hide out kung saan nasamsam ang P1.8 milyong halaga ng umano’y shabu at matataas na kalibre ng baril, sa magkakasunod na operasyon ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa Navotas at Malabon kamakalawa.

Ayon kay NPD director Chief Supt. Armando Clifton B. Empiso, kinilala ang mga inaresto na sina Marvin Orano, 32, na umano’y lider ng grupo, ng Domingo Street, Barangay Tangos, Navotas City; Tonylyn Laderas, 32; Dennis Diongco, 47, ng Raja Cabantao, Bgy. Daang Hari, Navotas City; Rennier Cruz, 31, ng Guava St., Bgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela City; Angelo Leongson, 28, ng No. 22 Herrera St., Bgy. Ibaba, Malabon City; Katrice Leongson, 28, ng Bgy. San Roque, Malabon City; Mark Lawrence Roldan, 23, ng Block 42, Lot 2, Daang Hari, Navotas City; Christian Enriquez, 21, ng No. 34 Lot 2, Daang Hari, Navotas City; Jason Sapao, 29, ng Villanueva St., Bgy. Tonsuya, Malabon City; Gina Abantao, 41, ng No. 59, Camus St., Bgy. Ibaba, Malabon City; Armando Asuncion, 42, ng Bgy. Ibaba, Malabon; at isang 17-anyos na lalaki.

Ayon kay General Empiso, nakatanggap sila ng tawag na namataan si Orano sa kanilang bahay.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sa pagtutulungan ng NPD-Special Operation Unit at ng NPD-Drug Enforcement Unit, sinalakay ang bahay ng umano’y lider ng grupo, dakong 3:00 ng madaling araw.

Hindi na nakapalag si Orano nang posasan ng mga pulis at makalipas ang ilang minutong interogasyon, itinuro nito ang 11 nitong kasamahan na nagtatago sa Bgy. Ibaba, Malabon City.

Agad sinalakay ng mga pulis ang nasabing lugar na tinitirhan ni Angelo Leongson, at naabutan doon ang lahat at hindi na nakapalag sa awtoridad.

Nasamsam sa operasyon ang 84 na gramo ng umano’y shabu, na nagkahalaga ng P1.8 milyon; dalawang hand grenade; UZI machine gun pistol; at Silver Mitsubishi Mirrage (BO S217).

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Sec. 5 at Rel. To Sec. 25 at Sec.11 at paglabag sa RA 10591.