Ni Jun Fabon
Nabawi na rin ng Office of the Ombudsman ang ill-gotten wealth ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez at asawang si Editha Vito- Sanchez.
Kinumpiska rin ang 19 na ari-arian ng mag-asawa sa Calauan, Laguna na bahagi umano ng ilegal na kayamanan ni Sanchez.
Sa record ng Sandiganbayan, kabilang din sa nasamsam na mga ari-arian ni Sanchez ang isang residential building, dalawang Mercedez Benz, isang Dodge Caravan van, mga shares niya sa ERAIS lending business, kasama na ang accrued dividends, at P246,120 cash, at bank accounts nito, alinsunod na rin sa kautusan ng hukuman noong Disyembre 18, 2016.
Bilang mayor, tumanggap si Sanchez ng buwanang suweldo na P17,724 kada buwan noong 1980-1981.
Mula 1981-1986 ay tumanggap siya ng P26,388 buwanang suweldo.
Sa joint income tax returns ng mag-asawa, may kabuuang P855,073.88 ang halaga na idineklara nilang ari-arian noong 1986-1992.