Ni Fer Taboy

Tinakot lamang ang mga kadete para bugbugin ang anim na bagong kadete sa graduation rites nitong Marso 21, kinumpirma ni Dr. Romeo Magsalos, director ng National Police College (NPC), na siya ring chairman ng binuong Board of Inquiry (BOI).

Ayon sa Philippine Public Safety College (PPSC) at kay Magsalos, ito ang resulta ng imbestigasyon ng NPC sa naganap na pambubugbog sa loob ng PNP Academy.

Ayon kay Dr. Magsalos, base sa imbestigasyon ay pinilit at tinakot ang ilang junior cadet para bugbugin ang mga nagsipagtapos pagkatapos ng graduation rites.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Lumalabas din sa imbestigasyon na tila pumayag pa ang ilang bagong graduate na sila ay bugbugin, dahil hindi nagsampa ng kaso ang mga ito laban sa kanilang underclassmen.

Ayon sa PPSC, nalaman din sa imbestigasyon na walang sapat na tauhan, partikular na ang uniformed personnel, para magbantay sa aktibidad ng mga kadete.

Bukod diyan, limitado ang mga security guard na nakatalaga sa loob ng paaralan at sa dormitoryo ng mga kadete.

Kasabay nito, inilatag ng BOI ang kanilang mga rekomendasyon upang hindi na maulit ang insidente.