Nilinaw ng Department of Tourism (DOT) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na wala pa silang natatanggap na aplikasyon para sa clearance at permit mula sa mga may-ari ng $500-million casino complex, na planong ipatayo sa Boracay.

Paliwanag ni DoT Assistant Sec. Ricky Alegre, hindi pa nagpapa-abot ng abiso ang Macau-based company na Galaxy Entertainment at Filipino partner nito na Leisure and Resorts World Corporation, para sa accreditation sana nito sa proyekto.

Giit naman ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Jonas Leones, wala silang ideya kaugnay ng planong pagpapatayo ng casino sa isla.

Pinanindigan din nito na magiging mahigpit ang kanilang pagsusuri sa mga isusumiteng accreditation bilang pagsaalang-alang na rin sa kritikal na environmental state ng isla.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Pag-aaralan din nila ang magiging long-term impact nito sa kalikasan.

Matatandaang napaulat na pinagkalooban na ng provisional permit ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) ang nasabing kumpanya para sa magiging operasyon nito sa Boracay.