Ni Jeff Damicog

Sinampahan na kahapon ng kaso sa Department of Justice (DoJ) ang dalawang dating Health secretary kaugnay ng pagkamatay ng mga batang naturukan ng Dengvaxia vaccines.

Kasama sa charge sheet sina dating Health Secretaries Janette Garin at Paulyn Jean Rosell-Ubial, gayundin ang 33 iba pa.

Naghain din ng apat na magkakahiwalay na reklamo ang apat na pamilyang namatayan ng anak, sa tulong na rin ng Public Attorney’s Office (PAO).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tinukoy sa reklamo ang pagkamatay nina Aejay Bautista, 11, noong Enero 24, 2018; Anjielica Pestillos, 10, noong Disyembre 5, 2017; Lenard Baldonado, 10, noong Nobyembre 9, 2017; at Zandro Colite, 11, noong Disyembre 27, 2017.

“We have established the strong link between the mass vaccination and the untimely deaths of the victims. The mass vaccination was highly suspicious because the children affected were appeared to be healthy,” ani PAO Chief Persida Rueda-Acosta.

Maghahain din ang PAO ng supplemental complaint sa DoJ batay na rin sa ilalabas na report ng Senado na nagsagawa ng imbestigasyon sa kontrobersiya.

Kinasuhan din ang walong opisyal ng Sanofi Pasteur at 15 sa Zuellig pharmaceutical firm.