Ni Rommel P. Tabbad

Sampung taong pagkakakulong ang inihatol ng Sandiganbayan sa isang dating alkalde ng Romblon kaugnay ng umano’y pagkakasangkot nito sa maanomalyang pagbili ng heavy equipment na mahigit sa P13 milyon, noong 2005.

Bukod kay dating Romblon, Romblon Leo Merida, hinatulan ding makulong sina Sangguniang Bayan (SB) Members Melben Mesana, Gerry Mijares, Mariano Mateo, Francisco Mayor, Jr., Chris Mazo, Ramon Magallon, Edler Robis, Rafael Riano at Bryant Riano dahil sa paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

Pinagbawalan na rin silang humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan dahil na rin sa nasabing kaso.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Natuklasang naglabas ng resolusyon ang SB na nagpapahintulot kay Merida na mag-loan ng P13,950,000 sa Philippine National Bank na pambili ng brand new JCB 4x4x4 backhoe loader sa Compressed Air Machineries and Equipment Corporation noong Nobyembre 9, 2005.

Idinahilan ng mga ito, gagamitin nila ang nasabing heavy equipment sa rehabilitasyon at renovation ng kanilang open dump sites. Ngunit natuklasan ng Office of the Ombudsman na hindi dumaan sa tamang proseso ang nasabing proyekto.