Ni Annie Abad

NAGSAGAWA ng serye ng grassroots coaching program at sports science seminar ang Philippine Sports Commission (PSC) para sa mga nagnanais na mapataas ang antas ng kaalaman kahapon sa Calamba City, Laguna.

Umabot sa 400 coaches at sports coordinators ang nakiisa sa tatlong araw na event na sinamahan pa ng consultative meeting, sports science seminar at grassroots coaching bilang bahagi ng programa ng Philippine Sports Institute (PSI).

Naging panauhing pandangal sa nasabing event ang Sangguniang Pangbayan Committee on Sports Chair na si Charisse Hernandez.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

“Gusto nating matiyak na habang nabibigyan natin ng kaukulang pagsasanay ang mga kabataan sa sports, ay nagiging daan din ang laro para sa paghubog na kanilang kaisipan at puso. Kaya nagpapasalamat tayo sa PSC sa patuloy nilang pagsuporta sa grassroots sports development,” pahayag ni Hernandez.

Isinagawa ang mga consultative meetings sa loob ng munisipyo ng Calamba. habang nangasiwa sa sports seminars sina Prof. Ed Fernandez at Prof. Gemima Valderrama sa University of Perpetual Help Rizal-Calamba Campus.

Susunod na bibisitahin ng PSI ang Panabo City, Davao del Norte at Catanduanes para sa pagpapatuloy na pag-ikot ng serye ng grassroots coaching at sports science ngayong darating na Abril 22 to 27.