Ni Lyka Manalo

TAAL, Batangas - Isang 41-anyos na babae ang nagbigti matapos umanong magkaroon ng alitan sa pagitan nito at ng ka-live-in sa Taal, Batangas nitong Miyerkules ng hapon.

Si Maricris Palomino, ng Barangay Poblacion 8, Taal, ay natagpuang nakabitin sa inuupahang bahay sa nasabing barangay dakong 5:00 ng hapon.

Isinugod pa sa Taal Polymedic Hospital ang biktima subalit hindi rin naisalba ang buhay nito.

Probinsya

Tatay na patungo sanang Negros para sa anak na may sakit, nawawala!

Posible umanong dinamdam ni Palomino ang pag-aaway nila ng kanyang kinakasama.