Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY - Mawawalan ng supply ng kuryente ang tatlong bayan sa Tarlac sa Sabado, Abril 7.

Sa pahayag ng Tarlac 11 Electric Cooperative, Inc., kabilang sa maaapektuhan ng power outage ang Bamban, Capas at Concepcion.

Ito ay inaasahang magsisimula dakong 7:30 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.

Probinsya

15-anyos, patay sa pagsabog ng isang bagay na napagkamalang gold bar!

Isinisisi ito sa isasagawang preventive maintenance ng 69KV sa Capas at iba pang pagkukumpuni.