Ni Jun Fabon

Arestado ang 15 drug suspect matapos masamsaman ng mahigit P300,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation ng Batasan Police Station sa Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ni QCPD Director Police Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang mga suspek na sina Billy Joe Sardido, 23; Neriza San Juan, 20; Lina Lopez, 48; Jhunel Abuan, 20; Orencio Sardido, 25; Christopher Nuñeza, 21; Albert Pulmenar, 23; Joey Bonggat, 44; Rogin Montella, 24; at Nel David, 43, pawang residente ng Barangay Bagong Silangan, Quezon City.

Sa report ni Police Supt. Rossel I. Cejas, hepe ng QCPD-PS6, nasukol ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang mga suspek sa Purok 5, Bgy. Bagong Silangan, pasado 9:00 ng gabi kamakalawa.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nasamsam sa mga suspek ang 25 gramo ng umano’y shabu; P61,000 boodle money, kabilang P1,000 bill buy-bust money; at mga drug paraphernalia.

Samantala, arestado rin ang limang drug suspect nang makumpiskahan ng P100,000 halaga ng shabu, sa pamamagitan ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Cecilyn Burgos Villabert ng QC RTC Branch 89, sa Bgy. Pinahan, Quezon City, dakong 9:30 ng gabi.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa naturang himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.