Ni AARON RECUENCO

Nasa sa 10 pulis at iba pang empleyado ng gobyerno ang kasalukuyang nasa listahan ng National Capital Region Police Office (NCRPO), na pawang inaantabayanan sa pauli-ulit na pagpasok sa mga casino sa Maynila.

Ayon kay NCRPO chief Director Oscar Albayalde, ang impormasyon tungkol sa mga empleyado ng gobyerno na pumapasok sa mga casino sa kabila ng pagbabawak ni Pangulong Duterte ay base sa mga tip at intelligence report.

“We have identified some who are entering the casinos. They are not only policemen but government employees from other agencies,” sabi ni Albayalde sa isang press briefing.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ang pagbabawal sa mga empleyado ng gobyerno na pumasok sa mga casino ay parte ng anti-corruption drive sa paniniwala na ang mga naglalaro sa mga casino ay may posibilidad na maging corrupt.

Kamakailan lang, inaresto si Supt. Adrian Antonio matapos mahuling naglalaro sa loob ng isang casino, kasabay ng pagkumpirma ni Albayalde na labas-pasok ang opisyal sa casino base sa kuha ng mga surveillance camera.

Sinabi ni Albayalde na si Antonio ay maaaring suspindehin o sibakin sa serbisyo dahil sa paglabag sa utos ng Pangulo.

“We will be implementing zero tolerance on this matter because this is the order of the President. We have also deployed policemen to monitor,” ani Albayalde.

Aniya, partikular na nasa kanilang listahan ay ang mga opisyal ng pamahalaan sa Metro Manila at ilang probinsiya na namataang naglalaro sa ilang casino.