Ni Reuters Health

NAKAKAAPEKTO ang pagbaba ng timbang sa interpersonal relationship ng isang tao, ayon sa isang Swedish report.

Napag-alaman ng mga mananaliksik na kumpara sa mga tao na walang tinatawag na bariatric surgery, ang halos lahat ng mayroon nito ay hiwalay sa asawa o diborsiyado, kung kasal, at mas madaling makahanap ng bagong karelasyon o pagpapakasal, kung single.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang epekto ng weight-loss surgery ay hindi lamang tungkol sa pagbawas ng timbang, isiniwalat ng co-author na si Per-Arne Svensson ng Sahlgrenska Academy sa University of Gothenburg sa Reuters Health.

Pinag-aralan ng grupo ni Svensson ang mga datos mula sa dalawang malaking pag-aaral ng mga taong hindi sumailalim at sumailalim sa weight-loss operations. Pitumpu hanggang 75 porsiyento ng mga partisipante ay kababaihan.

Ikinumpara sa unang pag-aaral ang 1,958 obese na mga pasyente na sumailalimsa bariatric surgery sa 1,912 katao na hindi.

Sa kabuuan, 999 kalahok ang single sa simula. Sa grupong ito, makaraan ang apat na taon, halos 21 porsiyento sa mga sumailalim sa surgery ang ikinasal o nagkaroon ng bagong karelasyon, kumpara sa halos 11 porsyento ng mga hindi sumailalim sa operasyon. Pagkaraan ng sampung taon, ang rate ng kasal o bagong relasyon ay halos 35 porsiyento sa surgery group at 19 porsiyento sa no-surgery group.

Kabilang sa mga pasyenteng kasal, gayunman, ang rate ng diborsyo o paghihiwalay, makaraan ang apat na taon, ay siyam na porsiyento sa surgery group kumpara sa anim na porsyento sa control group. Matapos ang sampung taon, naging 17 porsiyento sa surgery group at 12 bahagdan naman sa kabilang grupo.

Samantala, ikinumpara naman sa pangalawang pag-aaral ang 29,234 obese individuals na sumailalim sa weight loss surgery at 283,748 individuals ang buong populasyon. Ang mga hindi kasal na indibiduwal na nagkaroon ng weight-loss surgery ay 35 porsiyento at mas malaki ang posibilidad na makasal, at ang mga pasyenteng kasal ay 41 bahagdan at malaki ang posibilidad na makipagdiborsiyo, kumpara sa kabuuang populasyon ng tao.

“Within the surgery groups, changes in relationship status were more common in those with larger weight loss,” iniulat ng mga may akda sa JAMA Surgery.

Nagreresulta ang mga weight loss surgery “in a re-calibration of relationships, with patients realizing that they can indeed get out of unhappy relationships and/or initiate new healthy ones,” inilahad ni Dr. Samer Mattar, Presidente ng American Society for Metabolic & Bariatric Surgery and Medical Director, Swedish Weight Loss Services sa Seattle, Washington, sa Reuters Health. Wala siyang kinalaman sa pag-aaral.

Sa naturang pag-aaral, ang lahat ng partisipante ay naninirahan sa Sweden. “It is unknown if the results can be generalized to other countries and cultures,” sabi ng mga may-akda.

Isa pang limitasyon ng bagong analysis, hindi nito kayang patunayan na ang weight loss surgery ang dahilan kung bakit nagbabago ang mga relasyon. Maaaring may kinalaman ang mataas na insidente ng mga nabanggit na pagbabago, makaraang sumailalim sa bariatric surgery, sa tumaas na tensyon sa mga vulnerable nang relasyon o mapaghusay ang mga mas empowered patients na lumisan sa hindi na masayang relasyon, suhestiyon ng pag-aaral.

Binanggit din nila na kahit na karamihan sa mga pasyente ng post-bariatric surgery at kanilang mga kapareha ay nag-ulat ng maayos at mas magandang kalidad ng kanilang relasyon, iniulat din na minsan ay nagiging selosa o nararamdaman nilang hindi na sila kailangan ng kanilang karelasyon.

“Bariatric surgery magnifies and clarifies the pros and cons of relationships,” sabi ni Mattar. Dapat ay magkaroon ang mga pasyente ng kamalayan, aniya, na ang surgery ay magpapahusay sa kanilang kalusugan at kalidad ng buhay, kabilang ang kanilang abilidad na maging independent at lumaki ang tiwala sa sarili sa pagbuo ng mga personal na desisyon.

Ang bariatric surgery ay isang epektibong treatment para sa obesity na naging popular na.

Noong 2016, nakapagsagawa ang mga surgeon ng 216,000 ng mga nabanggit na procedure sa U.S. pa lamang, kabilang ang gastric bypass, gastric banding, at sleeve gastrectomy. Habang ang lahat ng surgery ay may kaakibat na peligro, ipinakita sa ebidensya na mas malaki ang panganib ng labis na katabaan kaysa sa peligrong kaakibat ng bariatric surgery, ayon sa American Society for Metabolic and Bariatric Surgery.