Ni ARIEL FERNANDEZ

Hindi nagdalawang-isip ang isang driver na isauli ang US$3,000 na naiwan ng isang bagong dat¬ing na overseas Filipino worker (OFW), sa minamaneho niyang taxi, nitong Martes ng umaga. Kinilala ang OFW na si Virgilio Legaspi, na dumating sa Maynila mula sa Dammam, Saudi Arabia, nitong Martes.

 PANANAGUTAN SA ISA’T ISA Makikita sa larawan ang matapat na taxi driver na si Gilbert Punzalan, ng Golden Star Transport, na nagsauli ng US$3,000 ng OFW na si Virgilio Legaspi


PANANAGUTAN SA ISA’T ISA Makikita sa larawan ang matapat na taxi driver na si Gilbert Punzalan, ng Golden Star Transport, na nagsauli ng US$3,000 ng OFW na si Virgilio Legaspi

Ayon kay Legaspi, sumakay siya sa isang dilaw na taxi mula sa Ninoy Aquino International Airport -Terminal 1 (NAIA 1) at nagpahatid sa bus station sa Sampaloc, Maynila.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pagsapit sa bus terminal, agad bumaba sa taxi ang bik¬tima hanggang sa nadiskubreng nawawala ang kanyang pera, na nakalagay sa malaking envelope, kaya muling pumara ng taxi at bumalik sa NAIA 1 sa pag-asang mahanap ang kanyang salapi. Ayon sa taxi driver na si Gilbert Punzalan, ng Golden Star Trans¬port, napansin niya ang isang puting envelope sa tabi ng hand¬brake ng sasakyan. Inakala pa ni Punzalan na basura lang ang naturang envelope at tinangkang itapon nang mapansing may la¬man ito.

Binuksan ni Punzalan ang envelope, nakita ang 30 piraso ng $100 bills at tiningnan kung may pagkakakilanlan ang may-ari na tumugma naman sa pangalan ng kanyang pasahero sa kanyang dispatch slip.

Agad bumalik si Punzalan sa NAIA 1 at nagbakasakaling makiki¬ta roon ang may-ari ng pera.

Labis na ikinatuwa ni Legaspi nang magkita sila ni Punzalan at nai¬balik sa kanya nang buo ang pera. “Alam ko pong pinaghirapan ni sir (Legaspi) ‘yang perang ‘yan. Mahi¬rap pong gastusin ang perang hindi mo pinaghirapan.” ani Punzalan, na anim na taon nang nagtatrabaho bilang accredited transport driver ng NAIA.

Ipinagmamalaki naman ni Manila International Airport Au¬thority (MIAA) General Manager Ed Monreal si Punzalan.

“Ako ay nagagalak sa katapa¬tan ni Mr. Gilbert Punzalan. Sana manatili siyang tapat sa kanyang trabaho at maging tunay na ehe¬mplo ng kabutihan sa mga kapwa niya transport drivers. Ang mga maliliit na kabayanihang tulad ng kanyang ginawa ay malaking tu¬long sa ating efforts na mapaganda ang imahe ng NAIA sa mundo,” sabi ni Monreal.