LOS ANGELES/RIYADH (Reuters) – Magbubukas ang unang sinehan sa Saudi Arabia makalipas ang 35 taon sa Abril 18 sa Riyadh, sinabi ng mga awtoridad nitong Miyerkules matapos makipagkasundo sa AMC Entertainment Holdings (AMC.N) na magbukas ng 40 sinehan sa susunod na limang taon.
Hindi ihihiwalay ang mga babae at lalaki sa sinehan tulad ng iba pang public places sa napakakonserbatibong kahariang Muslim, at ang unang ipapalabas na pelikula ay ang “Black Panther,” sinabi ng source na may alam sa usapin.
Mayroong mga sinehan sa Saudi Arabia noong 1970s ngunit ipinasara ito ng makakapangyarihang clerics.
Nitong 2017, sinabi ng gobyerno na aalisin nito ang ban bilang bahagi ng ambisyosong economic at social reforms na itinutulak ni Crown Prince Mohammed bin Salman