Ni Nitz Miralles

SINIRA ng “Hercules” episode ng Daig Kayo ng Lola Ko ang plano sana ni Ruru Madrid na hindi muna mag-guest sa ibang shows ng GMA-7 at mag-concentrate sa Sherlock Jr.

Ruru copy

Nagpu-focus daw sa more action scenes ang pinagbibidahang action series at may mga bagong guest, kaya dito muna siya nakatuon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Kaya lang, nang sinabi sa akin three weeks ago na episode tungkol kay “Hercules” ang gagawin ko sa Daig Kayo ng Lola Ko, hindi na ako nakatanggi. Favorite ko si Hercules at mahilig ako sa mythology. Hindi ako nagdalawang-isip, tinanggap ko ang guesting kahit wala akong tulog,” kuwento ni Ruru nang makausap namin sa taping.

Galing siya sa taping ng Sherlock Jr. bago pumunta sa taping ng Daig Kayo ng Lola Ko, mga 80 scenes ang kinunan nila, kaya puyat at pagod siya and in between takes na lang umidlip. Pero hindi halatang wala siyang tulog dahil high energy at kitang enjoy na enjoy sa mga eksena niya bilang si Hercules.

“Anak ng Diyos si Hercules kaya favorite ko. Sobrang lakas niya at mapagmahal sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Ganu’n ako, tini-treasure ko ang mga taong mahal ko. Priority sila sa akin, bago ako, sila muna,” pahayag ni Ruru.

S a Sunda y , Apr i l 8 , n a m a p a p a n o o d a n g “Hercules” episode sa Daig Kayo ng Lola Ko na kasama ni Ruru sina Mel Kimura at Edwin Reyes, sa direksiyon ni Rico Gutierrez.

Samantala, natanong si Ruru sa pagkawala ng karakter ni Gabbi Garcia sa Sherlock Jr., na ikinagalit ng ibang GabRu fans. Kinailangang mamatay ang karakter ni Gabbi, pero hindi ibig sabihing ay buwag na ang love team nila. Willing pa rin si Ruru na makatrabaho ang dalaga at ipagpatuloy ang love team nila kung gugustuhin ng GMA-7.

“Basta ako, kahit anong trabaho ang ibigay sa akin ng network, gagawin ko at paghuhusayan ko. Kung mag-decide ang network na ituloy ang love team namin ni Gabbi, okay sa akin dahil alam kong may fans kami na matutuwa. Sa mga gusto namang magkatuluyan kami in real life, malay natin. Hindi malayong mangyari ‘yun. Pero sa ngayon, parehong sa trabaho ang focus namin,” pagtatapos ni Ruru.