Ni Jean Fernando

Arestado ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP), na nakatalaga sa Camp Crame, dahil sa paglalaro ng baccarat sa loob ng casino hotel sa Parañaque City, nitong Martes ng gabi.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Oscar Albayalde, inaresto si Supt. Adrian Antonio, nakatalaga sa Administrative Office ng Directorate for Operation sa Camp Crame, sa loob ng City of Dreams sa Parañaque City, dakong 10:55 ng gabi.

Ayon pa kay Albayalde, madalas magtungo sa casino si Antonio sa nakalipas na tatlong buwan bago naaresto sa pinag-isang operasyon ng mga tauhan ng NCRPO at casino security.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Narekober kay Antonio ang P600,000 halaga ng casino chips. Sinabi naman ni Supt. Jenny Tecson, tagapagsalita ng Southern Police District (SPD), nasa restricted custody na si Antonio at mahaharap sa kasong administratibo at kriminal.

Ayon kay Tecson, iniulat ng Parañaque City Police na bago nadakip si Antonio ay may nakasagutan umano itong casino player na pinagkakautan¬gan umano nito dahil sa pag¬susugal.

Sasampahan si Antonio ng paglabag sa Presidential Decrees 1067-B at 1869, na nagbabawal sa mga government officials, mi¬yembro ng uniformed services, estudyante at menor de edad na magtungo sa mga casino.