Ni Annie Abad

SASABAK ang mga premyadong archers na sina Kareel Meer Hongitan at Nicole Tagle sa 2018 Asia Cup stage 2 world Ranking Event na gaganapin sa bansa sa Abril 6-11 sa Rizal Memorial Baseball field.

Sasabak sa recurve at compund events sina Tagle at Hongitan kung saan kapwa sila umaasa sa tulong ng home crowd sa kanilang kampanya.

“Bale homecourt advantage po. Pero mas nakaka pressure kasi mas mataas po ang expectations sa amin, although pipilitin po namin na manalo. We can’t promise po but we will try our best po,” pahayag ni Hongitan

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ito ang unang pagkakataon na muling maghohost ng isang malaking kompetisyon ang bansa sa archery matapos ang halos 10 taon. Ang torneo ay bahagi ng qualifying round para sa Asian Youth at Asian Games sa Agosto.

Inamin ni Tagle na ang mahigpit nilang makakalaban ang bansang South Korea na matinik sa kasalukuyan.

“Bale, yun po talaga kasi ang sports ng South Korea, although, hindi naman po nila ata ipapadala yung mga Team A players nila, puro team B lang po,” ani Tagle.

Lubos naman ang pasasalamat ng Archery association sa suporta at tulong na ibinigay ng Philippine Sports Commission (PSC).

“Nagpapasalamat po kami sa support nila, yun bang sobrang init po ng pagtanggap nila sa amin kahit saan kami umikot dito sa PSC, nag wiwish po sila ng goodluck sa amin. Pero may pressure po kasi nasa likod ng venue yung office ni Chairman Ramirez, kaya may kaba po,” pahayag ni Hongitan.

Kabuuang 12 bansa ang sasabak sa kompetisyon. Isasagawa ang opening ceremony sa Century Park Hotel.