Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig)

1 p.m. - AMA Online Education vs Gamboa Coffee Mix-St. Clare

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

3 p.m. - Batangas-EAC vs Wangs Basketball-Letran

5 p.m. - Akari-Adamson vs JRU

PORMAL na maangkin ang nalalabing outright semifinals berth ang tatangkain ng Akari-Adamson sa pagsagupa sa out of contention ng Jose Rizal University sa tampok na laro ngayong hapon sa pagtatapos ng elimination round ng 2018 PBA D League Aspirants Cup.

Magtutuos ang Falcons at ang Heavy Bombers ganap na 5:00 ng hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Mauuna rito, bahagi rin ng nakatakdang triple bill ang tapatan ng AMA Online Education at Gamboa Coffee Mix ganap na 1:00 ng hapon at ang salpukan ng Batangas-EAC at Wang’s Basketball -Letran ganap na 3:00 ng hapon.

Nauna ng inangkin ng Marinerong Pilipino ang unang outright semis spot matapos makamit ang ika-9 nilang panalo pagkaraang talunin ang Chelu Bar and Grill -San Sebastian College noong Martes.

Base sa format, ang top two teams matapos ang single round eliminations ay magkakamit ng outright semifinals berths habang ang susunod na apat ay uusad sa quarterfinals kung saan ang 3rd at 4th-ranked teams ay may twice-to-beat advantage kontra sa 6th at 5th seeds ayon sa pagkakasunod habang ang nasa bottom 6 ay eliminated.

Kapag nanalo ang Falcons ganap na ring matatapos ang tsansa ng Centro Escolar University na makahirit ng playoff para sa isang outright semis slot.

Gayunman, papasok naman silang may twice to beat advantage bilang no. 3 seed sa quarters kasama ng Chelu Bar and Grill-SSC na plastado na sa no. 4 kahit magtabla-tabla pa sila sa 7-4 na marka ng Zark’s Burger-Lyceum at Gamboa Coffee Mix -St. Clare dahil parehas nitong tinalo ang dalawang koponan.

Sa unang dalawang laro, pride na lamang ang ilalaban ng Titans kontra Coffee Lovers sa unang salpukan gayundin ng Generals at ng Couriers sa ikalawang bakbakan.

Ganito rin ang Heavy Bombers na puwedeng maging spoiler para sa Falcons sa huling laro.