Ni Czarina Nicole Ong

Hiniling ni Palawan Governor Jose Alvarez sa Office of the Ombudsman na muling pag-aralan ang inilabas nilang ruling na pinakakasuhan ito ng graft kaugnay ng umano’y maanomalyang P193- milyong water supply project na pinasok nito noong 2004.

Ang hakbang nito ay nakapaloob sa inihain niyang motion for reconsideration na kumukuwestiyon sa resolusyon ng anti-graft agency na inilabas noong Oktubre 23, 2017.

Iniharap ang mosyon nang iutos ng Ombudsman na kasuhan ang gobernador nang makitaan ng probable cause ang isinampang reklamo laban sa gobernador.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kinuwestiyon ng Ombudsman ang gobernador dahil bukod sa puwesto nito sa pamahalaan, presidente pa ito ng Rio Verde Water Consortium, Inc. (RVW Consortium).

Naiulat na iginiit ni Alvarez na kuwalipikado ang RVW Consortium sa naturang P193-milyon Bulk Water Supply Project (BWSP) ng Cagayan de Oro City Water District (COWD) noong 2005 sa kabila ng mga umano’y hindi pagkakatugma sa model contract nito.

“The Ombudsman needs to reconsider its decision because there were no specific acts indicated as to how he (Alvarez) conspired with others on ruling on the eligibility of RVW Consortium,” bahagi ng mosyong iniharap ng abogado ni Alvarez.

Inaakusahan si Alvarez na nakipagsabwatan umano kina COWD Board Chairman Raymundo Java, Vice Chairman Sandy Bass Sr., General Manager Gaspar Gonzales Jr., at iba pang board member ng COWD kaugnay ng proyekto.