Ni Marivic Awitan

NAKABALIK sa winning track at sa liderato ng men’s division ang National University matapos mamayani kontra University of the Philippines, 25-12, 19-25, 25-15, 25-20 kahapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa second round ng UAAP Season 80 men’s volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City. Nagposte ng 21-puntos si Madzlan Gampong habang nagdagdag naman ng 19-puntos si Bryan Bagunas upang pangunahan ang Bulldogs sa pagbalik sa kanilang winning ways na nag-angat sa kanila sa markang 10-2.Dahil sa kabiguan, bumagsak naman ang Maroons na pinangunahan ni Wendell Miguel na may game high 23-puntos sa markang 3-9.

Sa isa pang laro, patuloy ang pamamayagpag ng Adamson upang patuloy na palakasin ang tsansa nilang umusad sa Final Four round.

Matapos ang naitala nilang upset win kontra NU Bulldogs, sinolo ng Falcons ang ika-4 na puwesto sa pagtaas nila sa patas na markang 6-6, makaraang padapain ang De La Salle University, 25-22, 16-25, 25-15, 29-27.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagposte si Mark Alvarez ng 9 na attack points at 6 na blocks upang pangunahan ang nasabing panalo ng Falcons.

Bunga ng kabiguan, mas lumamlam ang tsansa ng Green Spikers na makahabol pa sa Final Four round sa pagbagsak nila sa barahang 4-8, panalo-talo