Mula sa People

NASA maayos na kalagayan na ang anak ni Mark Burnett na naospital isang linggo na ang nakalilipas.

Mark copy

Nagbahagi ng litrato ng anak na si Cameron, 20, ang reality TV producer nitong Lunes, na kuha sa ospital, nakalantad ang katawan na maraming wire na nakakabit.

Tsika at Intriga

Sofia Andres, naghahanap ng PA na 'kayang basahin nasa isip' niya

“Cameron Burnett. In every challenge you have the toughest mental attitude I’ve ever seen,” caption ng proud father, 57. “Stoic, Thoughtful, Grateful and Affirmative All at once and every day. Seriously son…. you are amazing. The Holy Spirit is always with you.”

Ibinahagi rin ni Cameron ang naturang litrato na caption namang, “Bionic or antifragile?”

Nag-post naman ang asawa ni Burnett, ang Touched by an Angel actress na si Roma Downey, sa Instagram, at hiniling sa publiko na ipagdasal ang mabilisang paggaling ng kanyang stepson.

Sa pahayag sa PEOPLE nitong nakaraang linggo, sinabi nilang dalawa na, “Our family is so thankful for all the prayers over the last few days. We are relieved to have Cameron back home with us and we are so incredibly grateful for the amazing care he received at UCLA.”

Si Cameron at ang panganay na anak ni Mark ay supling nila ng kanyang ex-wife na si Dianne J. Burnett. Nagpakasal sila noong 2007 sa kanilang tahanan sa Malibu.

Samantala, nagdiwang si Cameron ng Easter Sunday kasama ang kanyang pamilya at kasama rin siya sa mga litratong ipinost ng kanyang ina at ni Downey.

“My Everything mothers love is endless #sons#love#eastersunday ,” post ni Dianne sa Instagram.

Nag-post din si Downey ng ilang larawan ni Cameron sa kanyang Instagram Story, kabilang ang litrato na katabi niya si James at ang kanyang ama.

Ang pagkakaospital niya kamakailan ay pagkaraan ng apat na taon simula nang sumailalim siya sa brain tumor surgery noong 2014. Nang mga panahon iyon, nag-tweet si Pastor Rick Warren at humiling sa publiko na isama sa kanilang panalangin ang noon ay teenager, nang magkaroon ng mga komplikasyon dahil sa operasyon.

“PRAY for my friend Cameron Burnett in ICU with serious complications from brain tumor surgery,” tweet niya. “Cam is Mark Burnett’s son.”

Si Cameron ay nag-aral sa University of Southern California’s School of Cinematic Arts at nagdirek na ng ilang short films gaya ng The Bench. Nakatanggap ang kanyang mga proyekto ng Official Selections sa mahigit 35 film festivals sa buong mundo at mula roon ay nagwagi ng walo, ayon sa kanyang website.

In-executive-produced din ni Burnett ang ilang hit shows gaya ng Shark Tank, The Apprentice, Survivor and The Voice.