NAGHIHINTAY na lang ng tawag ang Cornerstone Management ni KZ Tandingan kung kailan siya pababalikin ng China para sa singing competition na Singer 2018 bilang wildcard.

kz

Sa Abril 20 na ang last episode ng Singer 2018 at malalaman sa episode 13 kung kasali siya sa finals.

Nang makapanayam namin ang manager ni KZ na si Erickson Raymundo, hoping ito na mapasama sa finals ang alaga at nabanggit din na pinayagan din na ang Mandarin version ng Anak ni Freddie Aguilar ang kantahin ng Philippine’s pride.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa post sa FB account na Kristine KZ Tandingan nitong Lunes, “She is back and will proudly sing an OPM song in global stage — Anak by Freddie Aguilar (Mandarin Version). Are you ready for the breakout round?! #LabanKZ #Rehearsals #PinoyRepresent.”

Samantala, sa guesting ni KZ sa Magandang Buhay kamakailan ay ipinalabas ang video greeting ni Charice Pempengco (Jake Zyrus na ngayon) na masaya ito sa nararating ng dalagang singer at mas lalo pa nitong pagbutihin na mai-share sa lahat ang talento niya.

Matatandaang si Jake Zyrus ang naging mentor ni KZ sa X Factor noong 2012 kaya naging grand winner.

Sabi ni KZ, mahal niya si ‘Madame.’ Ito pa rin ang tawag ng singer na tubong Digos, Davao kay Jake kahit na nag-iba na ito ng status.

Apektado si KZ sa mga pinagdaanan ng singing career at personal na buhay ni Jake at ipaglalaban niya ang kanyang mentor.

“Kasi grabe rin ang pinagdaanan niyan, eh,” pahayag ni KZ sa MB. Makikipag-away talaga ako kapag may nang-aaway sa kanya. Mahal na mahal ko ‘yan.

“Kasi hindi naman ako magiging KZ na kilala n’yo ngayon kung hindi dahil sa suporta niya.

“‘Yung ibang tao pinagtatawanan siya, inaaway siya. Pero siya ang isa sa mga taong naniwala na kaya ko kaya mahal na mahal ko ‘yan.

“Sana suportahan na lang natin siya kung saan siya masaya kasi hindi naman niya kayo inaano, hayaan na lang natin siyang maging masaya. Mahal na mahal kita, Madame.”

Dagdag pa ni KZ, “Saka mabuting tao siya. Hindi naman niya kasalanan na ganoon ‘yung nararamdaman niya. Hindi naman mali na mag-express ng totoo mong nararamdaman. You can’t just point fingers on people just because you sin differently.

“What my God taught me is to love everybody despite kung anuman sila, anuman ang pagkatao nila, anumang ginawa nila in the past, because judging the people around you is not your job. It’s God’s job. It’s your job to love another.”

At ang huling sabi ni KZ sa kanyang mentor , “Maraming salamat. Mahal na mahal kita, alam mo ‘yan. Nandito lang ako palagi tulad noong nandoon ka palagi sa akin nu’ng kailangang-kailangan kita