NANINDIGAN si Philippine Jiu-Jitsu Federation (PJF) secretary-general Alvin Aguilar na kanilang grupo na binubuo ng mga world-class at veteran internationalist jiu-jitsu fighters ang lehimitong grupo na nararapat na kumatawa sa bansa para sa sports.

Alvin Aguilar

Alvin Aguilar

Ayon kay Aguilar, mapapatunay nila ito kung tatanggapin ng karibal na grupo na pinamumunuan ni Choy Cojuangco ang hamon na magkaroon ng face-off ang mga fighters para mapili ang karapat-dapat sa National team na isasabak sa Asian Games ngayong taon at sa Southeast asian Games sa 2019.

“They refused to accept our challenge. This only proves that Choy’s camp don’t have the best athletes. The Philippines must send the best athletes. Nasa amin ang best jiu-jitsu fighters. Dapat na putulin na ‘yang ‘bata-bata system sa sports,” pahayag ni Aguilar.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pinagharap ni Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas ang magkabilang grupo sa Philsports sa hangaring mapag-ayos ang dalawang kampo, ngunit sinabi ni Aguilar na dapat munang resolbahin ay ang aspeto ng ‘legitimacy’.

“Kami ang nagsimula nito. Kami ang may alam sa sports simply because, puro kami jiu-jitsu practitioner. The other group are composed of golfers. Dapat sa golf association sila nilagay ni Mr. Cojuangco,” pahayag ni Aguilar, patungkol sa pambabraso umano ni dating POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco para palitan ang kanilang asosasyon.